ここから本文

Ang mga exhibition rooms (5F)

Sa ikalimang palapag ay may tatlong exhibition rooms para suportahan ang children's learning at may isang theater hall.

 
  • Bukas mula 9 a.m. - 5 p.m.
  • Sarado tuwing Lunes (maliban sa piyesta opisyal) Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero.

International Peace Exhibition Room

May mga suliranin ang ating mundo na nakakaapekto sa ating buhay, tulad ng giyera, pag-aaway, refugees, kalagayan ng paligid o kalikasan, pag-unlad at kahirapan. Ang kuwartong ito ay magsisilbing gabay o daan upang malaman ninyo ang mga suliranin na dinaranas ng ating mundo at ang mga global issues o suliraning pandaigdig. Inaasahan na magbibigay-daan ito upang pag-isipan ninyo ang paraan upang magkatotoo o matupad ang salitang "mapayapang global society".

 

Children's International Understanding Exhibition Room

Ang mga kabataan ay maaring makaranas at sumali sa mga kabuhayan at kultura sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng firsthand knowledge. Maari silang maglakad sa mga replica houses sa Asian district upang makita ang tunay na mga household goods, costumes at musical instruments. Maari din silang bumisita at mamasyal sa iba’t-ibang bansang naka-display dito.

 

Children's Fantasy Exhibition Room

Maaring mapabuti ang sensitivity at imaginative power ng bata sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karanasan sa mga larong may kinalaman sa mga tunog at ilaw. Nagkakaroon ng pagkakataon ang bata upang malayang ipahayag ang sarili at maranasan ang kasiyahang nakukuha mula sa mga creative activities.

 

Theater hall

Ang isang original animation na pinamagatang On This Planet o Sa planetang ito (kono hoshino ueni) ay pinapalabas sa malaking format sa screen na may 200 inches. Ang palabas na ito ay nasa salitang Hapon lamang
Upuan 136

 

Exhibition Room

Ang mga exhibitions na may tema sa pandaigdig na pagkakaintindihan o pag-uunawaan, mga global issues at multicultural coexistence ay isinasagawa dito. Ang silid na ito ay maaring rentahan para sa isang exhibition, pagpupulong at iba’t-ibang mga events kung saan kailangan ang malawak na lugar.

 

Lactation Room

Ang lactation Room o silid kung saan maaring magpasuso ng sanggol, ay nasa International Understanding Exhibition Room sa ikalimang palapag.

Paalala sa mga taong gumagamit ng wheelchair

  • Walang mga bumps sa ikalimang palapag at may sarili itong elevator.
  • Kung nais ninyong gumamit ng isang compact wheelchair na maaring gamitin sa Earth Plaza, tumawag muna sa opisina sa unang palapag o sa reception desk sa ikalawang palapag.
  • Ang bawat palapag ay may sariling bathroom o toilet na madaling puntahan ng mga nasa wheelchair.