Ano ba itong lugar?
Rental Facilities
Exhibition Rooms
Film Library and Information Forum
Consultation ukol sa pag-aaral ng mga dayuhan
Shop & Restaurant
Lounge
Directions
Kanagawa Biennial Children's Art Exhibition
日本語(にほんご)
 
Home
 

Ano ba itong lugar na tinatawag na Kanagawa Plaza for Global Citizenship?

- Ang Kanagawa Plaza for Global Citizenship (o "Earth Plaza") ay isang prefectural, multi-purpose facility na binuksan noong Pebrero, 1998 sa Sakae-ku, isang ward o bahagi ng Yokohama.

 

- Ang Kanagawa Plaza for Global Citizenship ay binansagang "Earth Plaza". Ang bansag na ito ay nagmumula sa dalawang bagay - "earth" at "tomorrow" (asu sa salitang Hapon). Ang pahayag na ito ay naglalaman ng ating damdamin upang “Isipin ang kinabukasan ng mundo o daigdig"

 

- Ang tinutukoy na "Global Citizens" ay ang mga taong nag-iisip ng mga paraan upang lutasin ang mga suliraning hinaharap ng ating mundo o daigdig, tulad ng kapayapaan, kapaligiran at kahirapan. Tinuturing ng mga Global Citizens ang sarili bilang bahagi ng mga kabuhayan sa ibabaw ng lupa at sinasagupa nila ang mga suliraning nagaganap sa kanilang kapaligiran.

 

Tatlong layunin ng Earth Plaza

Pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan at imulat ang kanilang isipan.


Nagbibigay ang Earth Plaza ng isang pook kung saan maaring hubugin ang kaalaman at damdamin ng mga bata sa paglaki nila bilang mga Global Citizens.

 

Pagtaguyod ng kaalaman bilang Global Citizens


Binibigyang daan ng Earth Plaza ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga bisita tungkol sa mga pag-uunawaan ng mga bansa, kapayapaan at mga suliraning pandaigdig, at patalasin ang kaalaman ng Global Citizens.

 

Pagsuporta sa mga international activities


Ang Earth Plaza ay sumusuporta sa mga international exchange at kooperasyon sa pamamagitan ng pagbigay ng mga impormasyon at isang pook upang itaguyod ang mga gawain at tulungang palawakin ang pakikisama sa kapwa..

Ano ba ang nasa Earth Plaza?
Exhibition Rooms

Sa ikalimang palapag ay may tatlong exhibition rooms para sa pag-aaral ng mga bata at may isang theater hall.

Film Library at Information Forum

May mga video at iba pang bagay na maaring gamitin upang makatulong sa pagkakaroon ng kaalaman ukol sa international understanding.

Fair -Trade shop at Restaurant
Lounge

Oras ng pagbukas

Ang Earth Plaza ay bukas mula 9:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. araw-araw, puwera na lang kung magsasara ito sa 5:00 p.m. ng Disyembre 28 at mananatiling sarado hanggang Enero 3 bilang pagdaos ng bagong taon o New Year.
Ang bahagi ng Earth Plaza ay sarado tuwing Lunes (maliban sa piyesta opisyal).
Ang Kanagawa International Foundation, isang judicial foundation, ang namamahala sa website na ito.
Bawal ang magsagawa ng pagkopya sa anumang bahagi ng website na ito ng walang pahintulot sa namamahala.

Address 〒247-0007
1-2-1 Kosugaya Sakae-ku Yokohama Kanagawa JAPAN