Library
May mga video at iba pang mga bagay na maari ninyong gamitin upang makatulong sa inyong pag-aaral ng international understanding. - Bukas ang Silid Aklatan mula Martes hanggang Lingo, 9 a.m.- 5p.m. - Sarado tuwing Lunes (maliban sa piyesta opisyal) Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero.
Film Library

Sa loob ng Film Library, maari kayong magbasa at humiram ng mga libro at manood ng mga video ukol sa international understanding, mga global issues at international cooperation.
Huwag kumain, uminom o manigarilyo sa kuwarto at manatiling tahimik sa loob.
Telepono: 045-896-2976
Panonood ng mga video
Ang Film Library ay may 16 booths para sa panonood ng mga video at pelikula.
Maari lamang manood ng isang palabas sa tinakdang panahon.
Minsan ay kailangang maghintay muna para sa bakanteng upuan.
Ang mga pelikula ay maari lamang para sa on-site viewing.
Pagbabasa at paghiram ng mga libro
Ang sinumang nakatira, nagtatrabaho o pumapasok sa paaralan sa Kanagawa Prefecture, ay maaring humiram ng libro mula sa Library. Ipakita lamang ang inyong Earth Plaza Rental card* at maari na kayong humiram ng anim na libro na maaring ilabas hanggang tatlong linggo.
Pagsasauli ng mga libro
Maaring ibalik ang mga hiniram na libro sa reception counter ng Library. Kapag sarado na ang Library, ilagay ang mga ito sa Return Box na nakalagay sa labas ng entrance sa ikalawang palapag.
* Kapag hihiram ng libro sa kauna-unahang pagkakataon, kailangang magparehistro muna at bibigyan kayo ng isang Rental card. Sulatang maigi ang application form at ibigay sa Librarian kalakip ng isang envelope o iba pang mga identification kung saan nakasulat ang inyong tirahan.
Information Forum
- Bukas ang Silid Impormasyon mula Martes hanggang Biyernes, 9 a.m.- 8p.m.
- Sabado ,Lingo at piyesta opisyal ay bukas mula 9 a.m.- 5 p.m.
- Sarado tuwing Lunes (maliban sa piyesta opisyal) Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero.
Maari ninyong basahin ang mga newsletters at mga magazines ukol sa international exchange and cooperation o di kaya’y magsagawa ng isang pagpupulong o meeting.
Maari kayong kumain at uminom sa Information Forum pero hindi maaring uminon ng alak o manigarilyo.
Telepono : 045-896-2977
Global Education Corner

May mga practical education materials, audio-visual materials at mga reference materials para sa pag-aaral tungkol sa international understanding, sa kalikasan o kapaligiran, human rights, kapayapaan at media literacy.
Japanese Language Corner/Multicultural Children Support Corner

Matatagpuan ng mga mag-aaral ng Japanese at mga supporters nito ang ilang resources sa corner na ito.
Nagbibigay ng educational at iba pang mga bagay o materials na maaring makatulong sa mga dayuhang residente ng Kanagawa Prefecture.
- Tumutulong upang bigyan ng tsansang matuto ng Japanese na kailangan para sa araw-araw na kabuhayan at trabaho.
- Tumutulong sa mga anak nila upang maging matagumpay sa paaralan.
Nagdudulot ng mga educational materials at iba pang mga bagay na maaring makatulong sa mga dayuhang residente ng Kanagawa Prefecture
- Educational materials,
- Teaching aids at mga dictionaries
- Computer software
- Ang curricula ng mga Japanese schools
- Parallel translation of school words
- Multicultural education materials.
Multilingual Information Corner
Nagbibigay ng mga impormasyon at tulong para sa araw-araw na pamumuhay sa iba’t-ibang lingwahe.
Ang mga materials na dulot nito ay mga life guides na dulot ng local government, NGOs, at iba pang mga organisasyon ukol sa medical care, disaster prevention at trabaho.
[Mga kasakop na foreign languages]
Cambodian, Chinese, English, Indonesian, Korean, Laotian, Portuguese , Spanish, Tagalog at Vietnamese.
Forum Space

May isang Forum Space na maaring gamitin ng mga NGOs at mga volunteer organizations na kasangkot sa mga international exchange at cooperation activities para sa kanilang mga pagpupulong,.
Ang mga NGOs at mga organisasyon ay kailangang magparehistro para sa paggamit ng Forum Space.
- Paggamit ng isang bulletin board o leaflet rack
Maari kayong gumamit ng isang bulletin board o leaflet rack sa Information Forum upang maglagay ng mga NGO notices o magbigay ng mga NGO leaflets. Mag-apply sa Reception Desk kung nais gumamit. - Paggamit ng message board
May message board rin ang Information Forum. Maari ninyong gamitin ito para sa pag-recruit ng mga miyembro para sa international exchange group, pag-imbita ng mga participants sa mga events, at para sa komunikasyon sa loob ng grupo. - Copying service
Maaring gumawa ng kopya ng anumang bagay na nasa Information Forum o mga libro sa Image Library. (Singil 10 yen bawat pahina)
Kapag gagawa ng kopya, alalahanin na nasa ilalim kayo ng mga restrictions o mga patakaran ng Copyright Law. - Consultation services
Ang information at consultation services ay bukas para sa mga NGO o volunteer activities