Rental Facilities
- Bukas mula 9 a.m. hanggang 10p.m.
- Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero bilang pagdaos ng bagong taon..
Conference Room

Ang Conference Room ay bukas para sa iba’t-ibang pagpupulong, mga lecture presentations, courses, at seminars. Bukas din ito para sa mga cultural activities.
- Ang main meeting room
- (may 42 upuan)
- Kombinasyon ng dalawang rooms o kuwarto
- (may 36 upuan)
- (may 78 na upuan)
Creation Studio

Para sa mga expressive activities tulad ng mga theatrical performance, musika at sayaw..
- Lawak
- 120m2
- Mga kagamitan
- Salamin na bumabalot sa buong dingding, lababo, apat na mesa, 40 silya o upuan.
Nursing Room

Isang silid para sa temporary nursing na maaring gamitin ng sinumang kasali sa isang pagtatanghal sa Earth Plaza. Mayroon din para sa mga nursing circle.
- Lawak
- 50m2
- Mga kagamitan
- Laruan para sa mga maliliit na bata o mga sanggol, freezer, lababo, toilet para sa mga bata.
Plaza Hall

Maaring gamitin para sa lecture presentation, concert, training course, o international symposium.
- Mga upuan
- Hanggang 226 katao (maliban sa pitong upuan o silya para sa mga taong may kapansanan o nasa wheel-chairs)
Exhibition Room

Maaring gamitin para sa mga exhibition, pagpupulong at iba’t-ibang pagtatanghal kung saan kinakailangan ang isang malawak na lugar. Maaring gamitin bilang Room A (180 square meters) at Room B (110 square meters) at puwedeng hatiin sa dalawa.
Pagbabawal sa paggamit: Kung gagamitin para sa mga exhibition, maaring gamitin ang silid hanggang labinlimang araw sa isang buwan.
Paraan ng pagsali o pag-apply
Ang Kanagawa Prefecture Public Facilities Reservation System ay nagbibigay ng pagkakataong ipareserba ninyo ang Exhibition room, Main conference room, Medium conference room, Creation studio, Cooking room at Nursing room sa pamamagitan ng pag-access sa Internet o pagtawag sa telepono. Maaring isagawa ninyo ito sa anumang oras na nais ninyo, pagkatapos ng office hours, at madaling alamin ang availability ng nasabing mga facilities sa pamamagitan ng Internet. Napakadali ang pag-apply.*
* Sa kasalukuyan, ang reservation system na ito ay maari lamang sa salitang Hapon. Kung hindi kayo marunong ng salitang Hapon, tumawag lamang ng diretso sa Earth Plaza.